Ipinagmalaki ni Kris Aquino ang ginampanang papel ng kanyang nakatatandang kapatid na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa pag-apela sa Indonesian government na huwag ituloy ang pagbitay kay Mary Jane Veloso.
Si Mary Jane ang Pinay migrant worker na nakulong sa Indonesia dahil sa kasong drug smuggling, at nakatakda sanang maparusahan sa pamamagitan ng execution by firing squad bandang ala-una ng madaling-araw ngayong Miyerkules, April 29.
Sabi ni Kris sa isang bahagi ng kanyang Instagram post ngayong araw:
"And I kept quiet w/ the endless attacks against PNoy because that was his reminder to me, but today it is my right & my privilege to say, I AM PROUD of my brother. I AM PROUD OF MY PRESIDENT.”
Matatandaang tatlong beses umapela si PNoy kay Indonesian President Joko Widodo kaugnay ng kaso ni Mary Jane.
Kahapon, April 28, inihayag din ni PNoy ang tungkol sa proposal ng Philippine government na gawing star witness si Mary Jane laban sa sindikatong sangkot sa ilegal na pagpuslit ng droga sa Indonesia.
Sa ngayon, ang recruiter ni Mary Jane na si Maria Kristina Sergio ay nahaharap sa reklamong illegal recruitment, human trafficking, at estafa.
KRIS ECSTATIC OVER MARY JANE'S REPRIEVE. Sa pagpapatuloy ng sentimiyento ni Kris sa Instagram, ibinahagi ng TV host-actress na kasabay ng efforts ni PNoy na maisalba si Mary Jane ay patuloy ang pagdadasal ng pamilya Aquino para sa kaligtasan ng kababayang nahaharap sa death penalty.
Pahayag ni Kris, base pa rin sa kanyang Instagram post:
“I kept quiet & just prayed. Left & right paulit ulit na walang ginawa, walang effort, walang malasakit, patalsikin, walang nagawa si Noynoy. (Thank You Manila Bulletin for the accurate front page.)
“Our whole family prayed, of course for Mary Jane and her family, but I prayed deeply for the Holy Spirit to guide my brother & his government to find a way to spare the life of a fellow Filipino.
“To find a reason compelling enough for the Indonesian govt to give Mary Jane Veloso a reprieve, and it came because of testimony regarding the greater problem of HUMAN TRAFFICKING.
“I prayed for God to bless our relations w/ Indonesia... Australia, Brazil, Nigeria, and even an Indonesian died by firing squad.
“From the New York Times I quote: 'Saying Indonesia had a right to exercise its drug laws, Mr Joko's govt. rejected international pleas to cancel the executions, including from Ban Ki Moon, Secretary General of the United Nation.'
“I firmly believe that we must respect the laws of each country, and as Filipinos we will take offense when other countries will dictate upon us...
Read more at http://www.pep.ph/news/51828/kris-aquino-proud-of-pnoys-pivotal-role-in-saving-mary-jane-veloso-from-execution#ykGGiegkg4V8LPYt.99
No comments:
Post a Comment